Friday, March 04, 2005

Kamatis at Cheesecake

Katatapos ko lang mananghalian. Grabe! Nabusog ako sa kinain ko: isang tasang kanin, isang malaking hiwa ng garlic chicken, at isang baso ng mango juice. Alam ninyo bang halos P200 na ang presyo nun?! Buti na lang libre. (Sayang nga lang at nahuli ako ng order ng paborito kong mataba at ma-kolesterol na cheesecake!)

Isipin ninyo! Kumain ako sa isang executive lounge nang nakatsinelas, t-shirt, at pantalong maluwag. At bukod pa dun, alam ninyo ba kung ano lang ang pinag-usapan namin? Presyo ng kamatis.

Hay, buhay! Bakit ba may mga taong nabubusog sa masasarap na pagkain at nanghihimagas ng cheesecake habang hindi naman masyadong nagtatrabaho? At bakit may mga taong nababali na ang gulugod sa kakakayod pero ang ulam lang ay asin at kamatis?