Tuesday, December 06, 2005
Magandang Regalo Para sa Pasko
Mapalad ako kaya napakalaki ng pagpapasalamat ko.
Binigyan ako ng Panginoon ng isang napakagandang regalo para sa taong ito--isang regalong makakasama ko habambuhay, kung ipapahintulot Niya.
Hindi man ako naniniwalang sa ganitong panahon nga isinilang ang Tagapagligtas, nais kong makisaya sa marami sa panahon ng pagdiriwang. Masayang-masaya kasi ako ngayon.
Hindi sapat ang mga salita upang ipahayag ko ang lalim, taas, at lawak ng aking pagpapasalamat para sa sanggol na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos.
Sa kabila ng dami ng hirap at luhang dinaanan ko upang iluwal siya sa mundo, hindi ko na sila maaalala. Kahit na maraming suliraning nakaamba sa kanya at sa aming pamilya, hindi ako natatakot. Alam ko kung Sino ang kakampi ko. Alam kong mabuti Siyang Ama kaya naiintindihan niya ang puso ng isang ina.
Monday, October 10, 2005
Liwanag at Dilim
Kaytagal ko na ring hindi sumusulat dito.
Ngayon lamang muli, kung kailan napakabigat ng aking pakiramdam.
Maraming trabahong kailangang tapusin sa opisina at ang aking anak ay maysakit. Bukas, kailangan kong lumiban upang dalhin ang aking anak sa ospital upang doon magpagaling.
Kahapon, nakausap ko ang isa sa aking mga ninang. Napakaganda ng naging kuwentuhan namin. Naikuwento niya ang malaking paghihirap niya upang isilang ang kaisa-isa niyang anak, kung paanong kinailangan niyang manatiling nakahiga sa buong panahong nagdadalantao siya para lamang magtagumpay ang kanyang pagbubuntis.
Naranasan niyang manganak at mawalan ng anak sa pagitan lamang ng isang araw. Naranasan niya ring makunan. Gayon na lamang ang naging takot at pag-aaalala niya ng ipagbuntis niya ang magda-26 na taong gulang niyang anak.
Ang mga kuwento ng paghihirap na ito ay tunay na nagpapalakas sa aking kalooban, lalo na sa mga panahong tulad nito. Hindi ako natutuwa dahil mas mahirap ang dinanas ng ibang tao kaysa dinaranas ko ngayon. Hindi doon nagmumula ang aking katuwaan. Ito ay umuusbong sa aking pagkatutong sa likod ng karimlan ay nakangiti ang liwanag. Ang madidilim na bahagi ng ating mga araw ngayon ay nagiging maliwanag kapag atin nang nililingon pagdating natin sa hinaharap.
Ang tibay ng loob at lakas ng pananampalataya ng mga taong nauna nang nakaranas ng mga paghihirap at kagipitan ay nagbibigay-inspirasyon sa mga bubwit sa buhay na tulad ko na ngayon lamang haharap sa ganitong uri ng pakikibaka. Ngayon lamang ako papasok sa karimlan, subalit marami nang naunang dumaan dito. Lahat sila ay nauna na sa akin sa liwanag. At malaki ang pagpapasalamat kong nakilala ko na agad sila.
Purihin ang Ama ng Liwanag!

Friday, March 04, 2005
Kamatis at Cheesecake
Katatapos ko lang mananghalian. Grabe! Nabusog ako sa kinain ko: isang tasang kanin, isang malaking hiwa ng garlic chicken, at isang baso ng mango juice. Alam ninyo bang halos P200 na ang presyo nun?! Buti na lang libre. (Sayang nga lang at nahuli ako ng order ng paborito kong mataba at ma-kolesterol na cheesecake!)
Isipin ninyo! Kumain ako sa isang executive lounge nang nakatsinelas, t-shirt, at pantalong maluwag. At bukod pa dun, alam ninyo ba kung ano lang ang pinag-usapan namin? Presyo ng kamatis.
Hay, buhay! Bakit ba may mga taong nabubusog sa masasarap na pagkain at nanghihimagas ng cheesecake habang hindi naman masyadong nagtatrabaho? At bakit may mga taong nababali na ang gulugod sa kakakayod pero ang ulam lang ay asin at kamatis?

Wednesday, March 02, 2005
Sa Mahal Kong Kaibigang Nagmamahal
Mahal Kong *****,
Ayoko sana sabihing "I told you so" pero nasabi ko na rin.
Ayoko sana sabihing "Pabayaan mo na lang siya at iwan" pero heto, naisulat ko na rin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil alam ko naman ang totoo. Hindi mo kasalanang magmahal. Sabi nga, "Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil gusto mo ang isang tao."
Hindi mo kasalanang ganyan ka, malaki man daw ang butas ng ilong mo o pangit ka man daw maglakad. Wala tayong magagawa diyan. (Una, wala tayong pambayad kay Vicky Belo. Pangalawa, matanda ka na masyado para turuang maglakad nang maayos kahit na sa totoo lang ay hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy niyang pangit sa paglalakad mo. Siguro sa tagal nating naglakad nang magkasama, hindi ko na napansin yon dahil nakatuon ang isip ko sa pakikinig sa kuwento mo o di kaya'y sa nilalakaran natin. Naisip ko lang bigla na ang makakapansin lang naman talaga ng lakad mo ay ang taong nasa likod mo o di kaya'y ang taong nakatingin sa iyo sa malayo habang naglalakad ka. Tanungin mo ang mga kaibigang naglakad sa tabi mo at sigurado akong hindi rin nila napansin iyon, kung ano man yon.)
Wala rin tayong magagawa sa pananaw ng taong mahal mo at sa mga batayan niya para mahalin ang isang tao. Maaaring hindi rin natin siya masisisi dahil iyon ay resulta na ng mga naging karanasan niya sa buhay.
Hay! Paano nga ba mahalin ang isang taong mahirap mahalin? Sabi pa nga niya di ba mahirap ka rin mahalin? Siguro nga pero hindi naman masyado. Marami naman kaming nagmamahal sa iyo ah!
Masakit nga lang talaga yata magmahal kasi wala namang perpektong mamahalin (maliban siguro sa Diyos). Kung tutuusin, lahat tayo mahirap mahalin pero sapat bang dahilan ito para tumigil na tayo sa pagmamahal? Hindi naman di ba? Kung pipiliin nating mahalin ang isang tao, hindi ito mahirap. Naniniwala akong likas pa rin sa tao ang magmahal, hindi nga lang nang perpekto.

Wednesday, February 02, 2005
Subscribe to:
Posts (Atom)