Lahat ba ng bagay ay kailangan ng paliwanag? Kung hindi naman maiintindihan ang isang bagay, bakit pa ito kailangang ipaliwanag?
Sa bagay, kung tatahimik na lang ang isang taong gustong magtanong, lalong wala siyang malalaman. Kung magtatanong siya at maraming kasagutan, makikita niya ang pinakamalinaw na paliwanag kapag mas marami ang pinagtanungan niya. Kung magtatanong siya at wala namang kasagutan dito, maski papaano, malalaman niyang walang sagot, hindi ba?
Ano sa palagay mo, naintindihan mo ba ang paliwanag ko? Naliwanagan ka ba o nadiliman kang lalo?